Tuesday, May 31, 2005

Muntik

Akalain mo ba namang makapag-post pa ko dito ng blog. Muntik na kong sumalangit kanina dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay!
Nag-malfunction lang naman ang brake nung minamanubela kong sasakyan.
Ganun pala ang feeling pag wala kang kontrol sa sasakyang drive mo, gusto mong tumigil pero di mo magawa. Salamat sa kakawati, tumigil ako.
Pagkatapos ng episode na yun, takbuhan yung mga tambay malapit dun papunta sa akin. Kala kasi nila may nangyari ng masama sa akin. Nung nakadungaw sila sa akin gusto kong tumawa pero di ko magawang tumawa kasi baka masuntok pa ko. Baka sabihin nila di ko siniseryoso ang ganun ka seryosong pangyayari. Gusto kong tumawa nung panahong yun kasi gusto ko i-exhale yung nararamdaman ko. Kaiba e. Ambilis ba naman ng takbo ko kasi ng overtake pa ko ng ilang sasakyan bago ko napansin na di gumagana ang brake ko. Kailangan ko na kasing tapakan yung preno dahil may nakaparadang bus na umuukupa ng halos katlong bahagi ng daan. E ayaw ngang kumagat ng preno.
Wala namang visible na damage sa sasakyan. Sa puno ng kakawati meron.
Nakatulong naman na di malalim ang kanal sa bahaging yun ng highway at walang malaking puno sa napili kong likuan. Nung inikot ko nga yung lugar e para talagang may pathway na inihanda para sa ganung event para sa akin mismo!
Mga aral:
  • Bago umalis, siguruhing gumagana ang preno.
  • Wag masyadong matulin ang patakbo. Hayaang maghintay ang pupuntahan. Mas mahalaga ang buhay ko kesa buhay ng baboy nila.
  • Itapon ang bulok na sasakyan. Pag-nasira minsan, itapon na at sunugin.


Site nung muntik nang maganap na malagim na crash. Dyan ako sa kanan pumasok. Masdan ang distinct na tire marks. Stationary ang bus.

Nakarating ako dyan. Sa parteng ito unti-unti nang bumabagal ang sasakyan.

Nasaging kakawati.

Sentro ang marka ng gulong.

Sunday, May 29, 2005

Setaw

Hindi ako orig na taga-Silang kaya natural lamang na umupa lang ako ng apartment dito. Dumating ako dito nung December 2003 at noon ko unang nakausap ang landlady ko ngayon. Nung una kong punta di naman ako masyadong nakipag-usap. Di nga ako nagbayad muna ng deposit. Sabi ko lang: "Balik na lang po ako sa December 7 para mag-lipat ng mga gamit." Yun lang sabay alis. Kasama ko noon si Tony at si Emi.
Si Emi, naging kapitbahay ko for several months. Dun lang sya nakatira sa tabi ng apartment ko. Umuupa rin.
Pag-balik ko from Los Baños nung December 7 e dala ko na ang mga abubot ko at may pasok na kasi simula nung 8.
Nung unang buwan ko dito e di pa ako masyadong namamansin ng mga tambay...

Friday, May 27, 2005

Magmamanok


Celia Cortez, Batas, Silang.

Yelo


Nasa gitna yung sample ng yelo.

May 25, 2005.
Umulan ng yelo sa Pulong Saging, Silang.
Mothball-sized lang naman.

Taalenya


GM, Treas, and some BOD in Tagaytay (Taalenya).

Di kami lango.

Di talaga.

2002 Christmas Party ng Frat


Si Atay, Kit at Red nasa foreground. Di ko na makita yung iba.

Christmas Party sa QC.

Mga Lumang Larawan


2003 UPLB


Brods and sisses.

Toma.

Pacute si Arcee.

Sunog na kaldero.

Batangas 2002.

Sem ender in Batangas.

Sportsfest in Isabela. Leftmost ako.


Way, way back 1996. UP CVM Lobby. How I care for my favorite pet.

Tuesday, May 24, 2005

Si Mr at si Mrs


Marcelino Soliven and his wife. Dasmariñas, Cavite.

Monday, May 23, 2005

Pigtionary

FYI laang:
  • Boar: adult male pig kept for breeding purposes
  • Farrow: to give birth
  • Gilt: female pig that has not farrowed
  • Litter: group of piglets born at one time from the same sow
  • Piglet: newborn pig, weighs 1-2 kilograms
  • Runt: smallest piglet in the litter
  • Sow: adult female pig (Note that sow rhymes with cow!)
  • Heat: the time when the gilt or sow accepts the boar for copulation

Sunday, May 22, 2005

Puerto Galera

We had a Leadership Training and Teambuilding Seminar in White Beach, Puerto Galera this weekend. I'll post photos tomorrow.
  • Very tiring pero enjoy.
  • Parang mall ang beach super dami ng tao!
  • Nag-beach hopping kami Saturday afternoon and it was SUPER! Ansarap mag-snorkeling! Sabi ng isa kong kasama, para daw aquarium sa ilalim. I don't know what he means pero masarap talaga makipaglaro sa mga isda.

Friday, May 20, 2005

More photos...

More photos of our trip to Lucban and sidetrip to Caliraya.

Caliraya


The very serene Caliraya.

Forgotten Bonifacio


Did you know that there's a Bonifacio Shrine? I think ordinary Cavitenyos don't know that this exists. This is the place where Bonifacio was captured by the forces of Aguinaldo. It's located on the shortcut route from Silang to Indang, and actually on the outskirts of Indang. Look at the unkept grass... Kawawa naman. Mataas pa naman ang pagtingin ko kay Bonifacio. Compare it to the Rizal Park in Manila.

Bantayog na di matayog


Bonifacio statue in Indang.
-----
Sa ika-12 hanggang ika-13 linggo ng buhay ng manok lumiliit ang kanyang bursa of Fabricius.

Bonifacio


Ang pagdakip kay Bonifacio.
Palagay ko bibihira lang ang nakakaalam at nakakapunta sa lugar na ito. Matatagpuan ito sa pagitan ng bayan ng Amadeo at Indang sa Cavite. Dinadaanan ko ito lagi kasi ito ang pinakamabilis na daan papunta sa Indang pag galing Silang.
-----
Bay ang tawag sa kulay ng kabayo na may anim na black points: sa mane, buntot at lower legs.

Caliraya


Lord, wag muna, di ko pa time.
-----
May antibiotic na bacteriostatic lang katulad ng mga Lincosamides. Ibig sabihin, di talaga nawawala ang bacteria. Nababawasan lang ang rate ng pagdami nila.

Class Pic


Class photo: Pahiyas 102

Sa Lucban


Sino to? Ah, sya yung kasama namin sa group na freshman.
-----
Mallard duck ang pinagkukunan ng itlog na gingawang balut. Balut ang tawag sa embryonated na itlog ng itik na nilalaga bago i-serve. Di ako kumakain nyan. Kadiri!

Hate list

  • I hate rich people and big entities that cheat BIR. Taxes here are lower compared to those of other countries yet many still misdeclare their incomes. Result: The government taxes everything, even basic commodities are taxed! For me higher taxes should only be imposed on luxury items. Spare the poor.
  • I hate self righteous people. As I see it, these people really do think that they have a monopoly of God and all things godly. I always see these people on TV, I even meet some everyday. The moment they open their mouth, my ears automatically shut down. This doesn’t mean that I’m anti-god or anti-religion. I just hate holier than thou people.
  • I hate Filipino primetime TV. All channels air worthless, good-for-nothing and endless telenovelas. Television as a medium should enrich and nourish our minds and make us think, and not feed us with such crap.

Thursday, May 19, 2005

Suka series

Pahintulutan po ninyong ipost ko ulit ito (galing sa kabila):

Vinegar

My work allows me to interact with rural folks on a daily basis. Kaya naman andami ko natututunang kung ano-ano. Katulad na lang ng paggamit ng suka. Isa ang suka sa favorite remedy ng mga tao dito para sa may sakit na hayop. Akala ko pang-adobo lang ang suka. Di pala!
Halimbawa: may lagnat, walang gana at mahina: pahid ng suka. Inuubo: pahid ng suka!
Preferred ang puting suka than clear. So, "in" ang Datu Puti, sugar cane vinegar, yung galing coconut at yung galing sa kaong.
Ang maganda, most of the time it works! May kinalaman ba ang faith dito? E wala naman faith ang hayop.
Pinakamaganda ang response pag ginamit sya sa bagong dating na starter (20kg BW). Minimized talaga ang fighting, so lesser ang stress sa pigs.
Nakakatuwa nga yung isa, one step ahead talaga kasi may kakaiba syang concoction: vinegar plus dahon ng litlit at dahon ng nganga. San ka pa?!

Vinegar II

Alam ko na masarap na sawsawan ng isaw ang suka at maraming gamit ang suka pero ngayon ko lang nakita ang actual na paggamit ng suka para sa broiler na may halak. Positive din ang response nila at ginagawa pa rin nila yun hanggang ngayon.

Vinegar III

Duda na talaga ako kung may nagbabasa ng mga posts ko dito dahil hangang ngayon e wala pa rin comments sa mga posts ko. Wala naman kasi stats itong blog ng friendster, di-tulad ng geocities account ko.

Anyway, puntahan natin ang paksa ng suka. May natutunan na naman akong panibagong gamit ng suka. Maaari din pala itong gamitin sa manok sa pagkakataon ng pagkalason! Wirdo no? Pero meron kasing konting pagkagasgas ng balat ng balunan and isang pulutong ng manok ko. Sabi nung binilhan namin ng sisiw e maaaring magbigay ng suka kalahok ng painom na tubig. Ang halo daw e isang litro bawat labing walong litro ng tubig. Ipaiinom ito sa loob ng dalawang araw.

Di ko pa nakikitaan ng pagbabago ang balunan ng mga manok sa ngayon, sabagay, isang araw pa lang naman nila itong iniinom.

Babalitaan ko kayo kung epektibo nga ito. Sya nawa.

-----

Walang diaphragm ang mga ibon. Pero meron silang air sacs.


Wednesday, May 18, 2005

Pahiyas 2005

Habhab na naman! Dadaan sana kami kina Dr. April pero di nya sinasagot yung tawag ko kaya, dito na lang kami nakikain. Note: Di ko kilala ang host!

Lumang bayan

Ito yung kalyeng nasa harap nung kinainana namin ng habhab na di ko kilala. KApansinpansin dito na old town talaga ang Lucban. Narrow streets, dikit-dikit na houses, etc. Katulad ng mga lumang bayan sa Pilipinas, nasa taas and simbahan, sa kaliwa at malapit sa simbahan ang simeteryo.

Model employee

Nakikiramdam. Sa wikang Ingles ay "feeling" yung nasa gitna. Hindi feeling turista, feeling model---model employee.
Taon-taon ay ibang kalye ang dinadaanan ng prusisyon galing sa simbahan para mabigyan naman daw ng pagkakataong magshow-off yung iba. Yung dinadaanan lang ng prusisyon ang naglalagay ng mga ani.

-----
Ang ALT ay specific na test para sa atay, ang AST hindi kasi maaring galing sa muscle ang ibang values nito.

Matigas na bulaklak

Gawa ang pandekorasyong ito sa balat ng bunga ng mahogany. Pininturahan lang para gumanda at isinaayos para mag-mistulang bulaklak. Nung nakatira ako sa kalyeng ng mga iskwater na katabi ng Whitehouse sa Los Baños, sa bandang kanan, e maraming gumagawa ng ganito dun. Itinataon nila sa pasko ang paggawa ng mga ito.

-----
Ang reindeer ay ruminant. Kaya nga nguya ng nguya si Rudolf di ba Santa?

Food color

Buti na lang mura ang food color! Pero naisip mo ba kung kakainin nga nila yung pagkarami-raming kiping na yan.

Saturday, May 14, 2005

Resurrection

Sa totoong buhay mahirap paniwalaan ang resurrection, pero sa blogger posible kasi di pa nila binura ang account ko. I'll update this more often kasi mas madali mag-upload ng photos compared dun sa blog ng friendster.
Akala ko nalimutan ko na ang password nitong account ko, at tama nga nalimutan ko. Buti na lang pwede magpalit ng password dito.
Sinubukan ko lang yung hello photo uploader nila and next time mas marami akong ilalagay!
Bukas pupunta akong Pahiyas, kina April!

Herma pig


He? she?

Ako pa rin


Case number 00001

Ako


Case number 00002

Coworkers


Nasa gitna ako, back row. Mainit!

Taal


The beautiful Taal!

Dummy


The semen collection area with the very needed posts for escape.

Antanga ng barako, andaling ikondisyon ng utak nya na asawa nya ang bakal na pasampahan. Nagsisimula ang pagti-train sa junior na barako sa edan na 6 hanggang pitong buwan. Karaniwan, ikatlong pagkikita lang nila ng dummy e in love na sya. Di siguro in love ang term kasi wala naman love sa kanila. Siguro.
-----

Ang inflammation (di ko alam sa tagalong) ay di lang pamamaga. Ang mga characteristics nito ay
rubor (pamumula),calor (pag-init), tumor (pamamaga), dolor (sakit), at functio laesa (di magamit).

Coop AI Laboratory


Semen processing laboratory where I once worked. I graduated from this though.
-----
Lampas isang tasa ang semilyang nakokolekta sa barako!

Backyard Broiler Raising in Sta. Monica Road, Tagaytay City



This is how backyard raisers grow their birds. Amazingly, FCR is good and in this case harvest weight is at more than 2 kgs in 38-40 days! Tagaytay kasi, so malamig.
Speaking of lamig, yung maliliit na hayop katulad ng sisiw at biik di nila kailangan ng lamig, ang kailangan nila ay init kasi wala pa silang taba sa katawan na maaring panggalingan ng pampainit. Yung malalaki o matandang hayop, kailangan na nila ng lamig.
-----
Beta blocker ang propanolol (beta 1 at 2), atenolol at metoprolol (beta 1 lang). In a sentence: Umiinom ako ng beta 1 blocker na atenolol araw-araw para sa aking altapresyon.

Chick! Bgy. Elang, Gen. Trias, Cavite


This one is taken in the backyard broiler farm of Mr. G. Capacity is 1000 heads. Best FCR so far is at around 1.8.
-----
Ang FCR ay ang index na tinitingnan para malaman kung gaano katipid gumamit ng feeds ang pinalalaking hayop. Mas mababa ang value mas malaki ang kikitain.

Sinagingan Festival


Sinagingan Festival in Palocpoc, Mendez, Cavite.

Is this being held to honor St. Banana? No! It's for the promotion of Palocpoc's main crop. Yup, but when I pass through this barangay I don't see any banana for sale in any of its streets. Whatever!
To get here you must go to Tagaytay City and turn left in Crossing Mendez, then turn left again on the street that's opposite of the Mendez Public Market. Palocpoc is before Esperanza , Alfonso.
Another way is to turn right when you see the big radar in Tagaytay. When you're lost just ask. People here are very accomodating, unlike in lower towns of Cavite like GMA.
-----
Kabaliktaran ng epekto ng acetylcholine ang epekto ng atropine.