Wednesday, February 28, 2007

Tuesday, February 27, 2007

www.ruralvet.net

Dahil nabili na noon pa ang ruralvet.com, kaya eto, ruralvet.net ang akin. Simple lang naman pala ang pagbili ng domain. Kala ko kasi dati napakakomplikadong bagay pa nito. Six fifty lang naman para sa isang taon, so lumalabas na piso at 79 centavos kada araw.
Ang ginagawa ko pala ngayon ay trabaho ng HR, gumagawa ako ng Job Description ng mga tao sa farm. (Kasi di naman talaga nila ginawan.) Napakahirap kasi kung di alam ng isa't-isa ang kanya-kanyang responsibilidad, lalo nang mahirap kung sasabihin sa iyong "di ko naman trabaho yan".
Ilang tips:
  1. Dapat eksakto ang JD.
  2. Nakasulat doon kung kanino magrereport.
  3. Specific ang Job Title.
  4. Dapat malinaw na nakaspecify ang duties. Walang problema kung ilang papel ang magamit, basta malinaw.
  5. At higit sa lahat, dapat nakasulat ito sa maiintindihang wika ng babasa. LOL
  6. Dapat kasama din ang inaasahang oras ng trabaho.
  7. At dapat, bago magkapirmahan ipaliwanag lahat ng nakasulat dito.
Sakit talaga ng ulo pag di maayos ang pagkakagawa ng JD kaya dapat naiintindihan ng magsusulat nito kung ano talaga ang trabaho ng tao.

Monday, February 26, 2007

Lima

Classmates sa ITCPH, white board ng ITCPH farm (patawa yung % repeats LOL), ear notch system nila, biogas digester na gawa sa culvert, at puno ng Eucalyptus na common sa mga babuyan.





Sunday, February 25, 2007

Coco levy fund

Can a small-town boy stop the abuse of big-time funds?
Driven by a monster typhoon’s destruction of his native Marinduque’s coconut lands, a local boy now working for a major TV network wages a lonely battle for justice.
GMA researcher Ederic Eder’s mother died at sea while delivering his tuition money so he could enroll at UP. That money came from the sweat of his coconut-farming family.
Now a UP-educated professional, he has been researching for years the fate of coconut levy funds that his family paid to the government. Millions of farmers paid the same levy, which was allegedly stolen and used by Marcos cronies to buy companies, including nearly half of the shares in San Miguel Corporation.
Collaborating with I-Witness reporter Howie Severino, Ederic discovers that the government may be getting set to use nearly two billion pesos from those farmers’ funds for electioneering purposes.
They confront officials with their findings and attempt to prevent a repeat of the fertilizer fund scam of 2004.
This eye-opening episode of I-Witness airs Monday late night on GMA 7, right after Saksi. (GMANews.tv)

Ako mismo ay galing sa isang pamilyang nagko-copra kaya naiinis ako tuwing naririnig ko ang isyung ito. Nakakagalit talaga kung iisipin mong nakinabang ang iilan sa pawis ng mga mahihirap.
Maganda sana ang intensyon ng pondong ito, pero katulad ng maraming mga kapalpakan nung panahong yun, nauwi ito kina Cojuanco, et al. at sila-sila lang ang nakikinabang na parang kanila ang pera.
Di pa ito masyadong malaki noon pero dahil tumagal na, tumubo na ng tumubo, kaya nasa 130++ bilyong piso na ito ngayon.
Karagdagan.

Thursday, February 22, 2007

Junket

Bukas ang huling araw ng isang engrandeng junket na kilala sa tawag na PVMA Convention. Ginaganap ito sa Sofitel/Philippine Plaza Hotel sa tabing dagat, malapit sa higanteng Mall of Asia. Akala ko mas magiging mas maganda ang convention this year kasi sa Manila ang venue pero di rin pala dahil, katulad ng title ng post kong ito, junket lang talaga sya. Isang araw lang ang scientific fora, at bukas pa ito gaganapin. Maniniwala ba kayong ang unang araw e registration lang? Registration lang talaga sya. Swerte ng mga iniisponsor ng mga kompanya ng bakuna at gamot dahil may malapit silang hotel na matutuluyan pero kawawa ang mga tulad kong kailangang mag-uwian. Haaay, kung pwede lang iwasang gumamit ng bakuna at gamot e gagawin ko dahil wala man lang nag-alok na sponsoran ako. Mabuti na rin siguro, at least, wala akong pinagkakautangan ng loob, at di nila ako pwedeng piliting gumamit ng produkto nila (na walang kwenta naman talaga ang iba).
Maraming exhibits dun pero napakaliit naman ng venue kaya mahirap maiwasang mabati ang mga taong ayaw batiin at pansinin. Sabi nga ng isang brod kong ayaw pumunta, kaya daw ayaw nyang pumunta e dahil ayaw nyang makipagplastikan. May punto sya di ba?
May maganda nga palang pangitain dun kanina kasi media presentation ng Bb Pilipinas dun. Ayus ang parada nila sa tabingdagat habang lumulubog ang araw! Ang ganda ng contrast.
Bukas ang hinahabol kong mapakingan ay ang talumpati ni Dr. Too, isang Malaysian na eksperto sa hog cholera at PCV. Narinig ko na sya dati sa Asian Pig Veterinary Society at ayus ang mga points nya tungkol sa epidemiology, transmission at control ng nasabi kong mga sakit. Isa pang inaabangan ko e ang lecture ni Dr. Masangkay na dati kong guro sa Pathology sa UPLB. Magaling sya sa environmental science at sa exotics at nakakaaliw ang mga pinagsasabi nya. Sa kanya ko unang narinig yung kay Dracula, na may rabies daw si Dracula dahil lahat ng signs ng rabies e meron sya (di makalunok kaya naglalaway, nangangagat, takot sa liwanag, naghahawa, atbp.). Na kaya daw di sya namatay e baka di pa nakakamatay ang rabies nung mga panahong yun o baka ibang strain yung ng rabies kesa sa uso ngayon.





-----
Maraming salamat nga pala sa link mula sa What's upLB.
-----
Ngayong Byernes, pagkakuha ko ng Certificate of Attendance tumalilis na ko. Ok naman ang plenary session kanina.

Monday, February 19, 2007

Pinagsakluban

Naramdaman mo na ba yung "pinagsakluban ng langit" (may term bang ganyan)? Yung unti-unting bumababa ang malamig na di mo maintindihan mula sa ulo mo pababa sa katawan papuntang paa? Ayoko ng ganto! Nakaka-galit at nakakadepress, magkasabay talaga.
Di ko pwede ikwento dito kung ano nagtrigger nito pero ayoko na maulit ito.

Sunday, February 18, 2007

Feb Fair sa LB

Nakadalo ako nung huling araw ng FebFair sa LB last week. Nagleave pa talaga ako para makapunta he he. Ok naman, sulit dahil nakapagre-connect sa mga dating kasamahan.
Kaya lang parang kulang. May hinahanap akong di ko nakita kasi. Tsk tsk.
As usual parang mall ang Freedom Park at maraming basura.

Thursday, February 15, 2007

Philequity Update

Maganda ang takbo ng stock market ngayon! Ten-year-high ang na-trade kanina. Kaya naman nasa 13.01 na ang NAVPS ng Philequity. Sana di ito masira ng lumalapit na eleksyon.

Tuesday, February 6, 2007

Training

Kakauwi ko lang galing sa Lipa, sa International Training Center for Pig Husbandry dahil pinadalo ako ng kooperatiba sa isang pagsasanay tungkol sa pagtitimpla ng pakain ng baboy. Sa totoo lang may natutunan din ako pero parang kulang....
Unang itinuro sa amin ay ang pag-formulate na walang gamit na computer, na-appreciate ko ito dahil naunawaan ko ang mga salik na kinukunsidera sa pagtitimpla. Isang araw din yun. Sabi ng kasama ko mas madali daw na paraan ang itinuro sa amin kumpara sa itinuturo sa UPLB, dahil nakadalo sya ng isang pagsasanay doon isang summer.
Sa ikalawang araw naman (kanina) itinuro sa amin ang paggamit ng isang semi-obsolete na program sa pagtitimpla ng pakain (Feedwin). Galing itong Netherlands ayon sa trainor. Palagay ko dapat di na ginagamit ang program na yun dahil nakakasakit ng ulo, imagine, para ka na ring nag compute manually. E andami-dami nang mabibiling program ngayon na mas madaling gamitin na di nagdadala ng sakit sa ulo.
Sa kabilang banda naman, e walang nangyari sa mga personal na plano ko. Ang pagkakataon nga naman. Nakalulungkot tuloy.
Kagabi dapat magiinom ako kasama yung mga brod na nanggaling sa Bicol na nakita ko doon sa Center, e ang anak ng #$%^&*( gwardya naman dun e napakasama, ikandado ba naman ang pintuan ng dorm! %&^*&(*) ka!

Saturday, February 3, 2007

Silang Town Fiesta



Kahapon ang fiesta ng Silang para kay St Candelaria. Syempre wala kaming pasok kaya nakapunta ako sa PRC. Maniniwala ka bang 200 lang and dala kong pera at nakabalik naman ako ng maayos. Iniwan ko ATM at credit card ko para iwas gastos. Umalis ako bandang 11AM at nakabalik na ako bago mag 3PM. Nadelay lang ako ng kaunti sa Quiapo dahil mabagal ang takbo ng trapiko dahil 1st Friday nga pala, dun ko na lang na-realize nung naipit na yung sinsakyan ko.
Dahil fiesta, maraming pagkain. Iniwasan ko sadya ang nakagawian naming pag-iikot sa mga bahay ng mga kaopisina. Baka kasi mapasobra lang ako ng kain. Ganon pa man, ganun din ang nangyari. Dahil mahirap talaga umiwas e.
KAninang hapon naman ang Karakol---na pang-apat na taon ko nang sinasalihan. Parang panata na ah! Di ko alam kung bakit sya naging Karakol, dahil ang alam kong karakol e yung prusisyon sa dagat. Ang version naman dito sa Silang ay pasayaw na parada. Buti di masyadong mainit kanina at di masyadong nakakapagod. Paulit-ulit lang naman ang sayaw na ginagawa namin. Malayo lang talaga ang ruta at nakatulog ako paguwi.
Sa Lunes at Martes nasa ITCPH ako para dumalo sa isang training.