Wednesday, March 28, 2007

Ammonia

A post in English, for a change:

Ammonia (NH3) in a broiler house is a very bad problem as it causes damage to the lining of the respiratory tract of the birds.

Excessive ammonia can be due to laziness of people that man the buildings. During brooding period when litter is in use: moisture can accumulate from condensation, the bird's 'urine' part of the droppings and from spilled water. When the litter is allowed to cake, or even to become dirty, ammonia is generated. At first it may not be detected by the people inside the building, because they're so used to the smell. But when a visitor not exposed to the smell enters, the characteristic ammonia odor is immediately detected.

As it irritates and damages the bird's respiratory tract, the effects are:
  • The birds easily catch infection because of the damage done to their respiratory defenses.
  • The birds cannot be uniform in size in weight. Some would not grow; some would, but slower than possible.
  • Average daily gain is lower.
  • Feed conversion rate is bad, often worse.
What can be done? None. In your next grow, act fast whenever you detect deterioration in the quality of the litter. Prepare lots of litter materials for replacement. Be proactive.

Friday, March 23, 2007

Kwenta ng gamot

Kailangan kwentahin ang gamot para sigurado ang dosis na ibibigay sa hayop.
Halimbawa, 20% norfloxacin ang gamot na gagamitin.

Hayop: 38,000 ulo
Timbang: 650 gramo bawat isa
Konsumong tubig sa isang araw: 20-30 gallons kada isang libo

Alamin mo muna kung gaano karaming gamot (puro, 100%) ang kailangan ng mga hayop:
24,700 kg ang hayop X 10 mg/kg = 247,000 mg
247,000 mg/1000 = 247 grams

E 20% norfloxacin lang ang gamot mo. Sunod, kwentahin kung ilang gramo nito ang kailangan:
=247 grams/0.2
=1,235 grams or 1.235 kg

Samakatwid, kailangan magtimpla sa painom ng 1.235 kilo ng gamot sa isang araw. Kailangan magtimpla ulit hanggang matapos ang paggagamot.

Wednesday, March 21, 2007

Pakainan o sahig?

Magkano ba ang nawawala kung sa sahig pinakakain ang baboy? Kailangan ba talaga ng pakainan?
May pagsubok akong ginawa:
  • Dalawang grupo ng baboy, tigtatlo bawat grupo.
  • Pinakain sila sa loob ng 31 araw.
  • May pakainan yung isang grupo (A).
  • Walang pakainan ang kabila (B).
  • Parehong dami ng feeds ang ginamit.
Ang average na bigat ng mga baboy noong simula ay 25 kg sa A at 23.6 kg sa B. Kumain sila ng tig 186 kg ng pakain sa loob ng 31 araw.
Ang naging average na timbang pagkatapos ng pagsubok ay 50.6 kg sa A at 48.6 kg sa B. Samakatwid, lumaki (average) ang nasa A ng 25.6 kg at 25 kg naman sa B. Ang feed conversion ratio ng A ay 2.42, at yung sa B ay 2.48.

Samakatwid, mas malaki ang nilalaki ng baboy kung may pakainan. Konti tingnan dito ang bentahe dahil tatlong baboy lang, pero kung gagamitin ang feed conversion na ito sa mas maraming baboy ay mas lalong lalaki ang diprensya. Kaya dapat iwasang magpakain sa sahig. Gumamit ng pakainan.

Sa susunod, gagamit ako ng baboy na di masyadong magkaiba ang timbang. Susubukan ko rin ang pagpapakain ng basa kumpara sa tuyong pakain.

(Itutuloy)

Tuesday, March 20, 2007

Corn Festival, Aguinaldo Day

Walang pasok sa buong Cavite sa Huwebes dahil Aguinaldo Day. Kahit di ako tagahanga ni Aguinaldo, natutuwa ako dahil makapagpapahinga rin. Salamat.
Corn Festival nga pala sa Ifugao ngayon, WTF, lahat na lang may festival. Ano kaya susunod?

Sunday, March 18, 2007

Cavite/Kabite

Lumang larawan ito ng ilog na malapit sa pinag-dakipan kay Bonifacio sa Limbon, Indang. Ngayon, halos ganyan pa rin ang lugar medyo tumaas lang ang tulay at umayos ng konti. Gawa pa rin sa kahoy ang tulay, pinatibay lang ng konti. Sana di na ito ikonkreto para ayos.
Alam nyo ba na may Chavacano sa Ternate? Ayus di ba? Akala ko kasi ang Chavacano ay Zamboanga lang. Sa arko sa pagitan ng Ternate at Maragondon, na halos thrice a week kong daanan, Chavacano ang nakasulat na (We welcome you with all our heart). Ayon sa Wiki, ang mga naunang settlers sa Ternate ay galing Molucca, Indonesia na dala ng mga Espanyol para tumulong sa kanila sa paglaban sa mga piratang Intsik. Interesting.

Eto yung picture:

Saturday, March 17, 2007

Cavite Coffee/Kape

Sa lugar kung saan ako nagtatrabaho, andami-daming kape. At pag napunta ako sa isang bahay, di maaring di mag-offer ng kape. Sa isang araw, minsan nakaka-limang tasa siguro ako. Iba pa sa farm namin, kape rin ang libangan, isa pagdating, isa bago umalis.
Minsan nahihiya akong tumanggi, kaya nangyayari hatinggabi na gising pa ako. LOL.

Smartbro: Pakitang gilas

Sobra-sobra ata ang speed nito ngayon kesa sa binabayaran ko! Katakataka. Pero di rin. Natutunan ko lang kasi kung pano bawasan ang bandwidth allocation ng system. Kelangan bawasan yun kasi di naman nya ginagamit yun! Ang ginawa ko e ginawa ko syang zero. Kaya, ang resulta, ambilis ng torrent nya at limewire kesa dati. Yipee!

Thursday, March 15, 2007

The National VKV VLV Alumni Association Review for 2007 Veterinary Medicine Licensure Exam

Alternatibong review center para sa mga magtatapos ngayong 2007. Dati, di pa uso ang ganito at noon isa pa lang ang bukas na review center. Noong panahon namin, nasa PHP 8,000 na ang bayad dun.
Itong sa Indang, napakamura, gusto ko na nga magreview ulit! Magagaling ang mga naimbitahan nilang tagapagsalita. Maganda ang performance ng review center na ito, meron pa ngang nag-top sa nakaraang exam.
Pero katulad nga ng hypothesis ko, wala naman yan sa review center, nasa tao na yan. LOL.
The National VKV-VLV Alumni Association once again is sponsoring a review for the upcoming Veterinary Medicine Licensure Examination 2007. The review center this time will be held at the College of Veterinary Medicine and Biomedical Sciences (CVMBS) at Cavite State University Indang, Cavite . Program runs from April 16, 2007 to June 9, 2007.
The review costs PHP 4,500.00 and is open for all veterinary medicine graduates of various universities. Bonafide VKV and VLV members pay PHP 2,250.00 on or before April 16, 2006 provided that a promissory note is submitted vouching that the remaining balance will be paid after passing the board exam.
Lodging arrangements are available upon request. However, it is strongly advised especially for those coming from distant provinces to arrive at least a day before the review starts to accommodate contingencies.
For more information, please contact Dr. Ma. Cynthia N. Rundina-dela Cruz, Review Coordinator, at 0917-2581814; (046)8620939 or e-mail at cynch_rundina@ yahoo.com. For lodging arrangements please contact Dr. Alvin William Alvarez at 0917-7622991. Thank you and hoping for your usual support and cooperation.

PROGRAM OF REVIEW FOR THE CVMBS REVIEW CENTER 2007

Thursday, March 8, 2007

Apat

Mga broiler, 5 tuldok, buntis, nagpapadede.




Wednesday, March 7, 2007

Ad lib feeding

Mahirap ipaintindi ito sa mga ordinaryong naghahayupan.
Ad lib=ad libitum, ibig sabihin tuloy-tuloy na makakakain and hayop (baboy o manok) hanggang gusto nya, kahit anong oras at kahit may tao o wala, araw man o gabi. Ginagawa ito dahil ang baboy at manok ay kumakain upang mapunuan ang pangangailangan nila sa enerhiya (Energy! Di ba more energy mas happy?).
Sabi ng ibang backyard raiser, di daw maganda ito dahil masyadong magastos sa feeds, dahil mas dadami daw ang makakaing feeds ng baboy at limitado naman daw ang paglaki ng hayop.
Totoo nga na limitado ang paglaki ng hayop. Kasi dinidikta ito ng lahi ng nanay at tatay nya. Pero di totoo na mas dadami ang makakain nilang feeds. Kasi nga di naman sila kakain ng sobra-sobra sa pangangailangan nila sa enerhiya. Pag nasatisfy na ang pangangailangan nila kusa na naman silang magpapahinga (hihiga, matutulog o maglalaro). Kaya di totoo na mas mapapagastos ka pag tuloy-tuloy na available ang pakain sa pakainan ng hayop.
Isang importanteng bagay dito na dapat maiwasan ay ang pagkakasayang ng pakain dahil sa spillage. Maiiwasan ito kung paunti-unti lang ang labas ng pakain sa feeder (gravity type) o kaya naman konti lang talaga ang ilalagay, dalasan na lang para din lagi itong sariwa at mabango. Na lalo ding makaka-stimulate ng gana nilang kumain.
Dapat lang tandaan na malaki ang ginagampanang papel ng genetics sa paglaki ng hayop. Dahil kung ang baboy na inaalagaan ay mahina ang lahi (inbred o native), di rin magiimprove ang paglaki kahit ad libitum ang pakain.
Isa pa pala: madaling kapitan ng sakit ang hayop na kulang ang energy intake. Bakit? Palagay ko, dahil nasa catabolic state sila (ginagamit ang stored energy para uminit ang katawan).
Para maiwasan ang pagkakasakit:
  • Dapat iwasan ang restricted feeding. Dapat makakakain ang hayop anytime maramdaman nyang gutom sya.
  • Dapat malakas ang pressure ng tubig (sa baboy) up to 2 liters per minute sa mga inahin. Kailangang ma-monitor ito araw-araw. Sa manok, madalas dapat ang pagpapalit ng painom na tubig. Importante din ito dahil related sa water intake ang feed intake. Di kakain ang di nakakainom. AT dapat tandaan na more than 75% ng katawan ng batang hayop ay tubig. Kaya sa proportion ng katawan mas marami dapat mainom ang mas batang hayop, so sa simula pa lang tutukan na dapat ang pagpapainom.
  • Siguruhin din na may sapat na dami ng painuman at pakainan. Sa biik 1:10-15 ang baboy to drinker ratio. Kung mahina ang pressure, gawan agad ng paraan na lumakas ito. Di magtityagang magsipsip ng tubig ng matagal ang baboy. Siguruhin ding nasa tamang taas ang pasipsipan ayon sa tangkad ng umiinom. Sa manok naman 20-40 galloners ang dapat nakalagay sa brooder para wala silang choice kundi uminom. Dahil kung iinom, kakain. Gumamit ng planggana ng mas maaga, basta abot ng sisiw kahit day 11 o 12 pa lang. Wag na intayin na magbakuna pa (21 days) lalo na pag tag-init.
Yan na muna, saka na yung ibang factors. Kasi nga maraming factors ang nakakaapekto sa paglaki ng hayop ngunit di naman pwedeng i-solve lahat ng problema at one time. Maganda, masimulan man lang sa isa para makita agad kung may improvement o wala.

Next: KURTINA :)

Tuesday, March 6, 2007

Sampu naman

Potaaah! Walang kwentang mga pictures na kuha sa mga nadaanan ko this week and last week: kamatis, pianonong malaki na masarap, manok na naiinitan, pagawaan ng asukal, tubo sa vintage truck, batchoy na masarap, portable power sprayer, farm logo, di na nagpapautang sign at timbangan.









Johari Window

Paki sagot naman. Thanks.

http://kevan.org/johari?name=ianj

Sunday, March 4, 2007

CEB


Akala ko good news pero disappointment lang pala ang napala ko. Dapat kasi pupunta ako sa Palawan sa mga sumusunod na petsa, dahil sa CEB promo na ito: June 9 to June 12, November 1-4. Kaya pumunta ako sa office ng CEB sa Robinsons Imus para magpabook pero, sa kamalasan, booked na lahat yan! Tinanong ko yung babae dun sa desk kung sigurado sya (oo daw), kung di na magdadagdag ng flights dun (di daw), sure ka (oo daw, kung meron daw sinabi na nya dapat), atbp.
So, sira talaga ang plano ko sa mga long weekends na yan. Pero para sure at para wala nang kokontra binili ko na yung ticket for Christmas and New Year vacation ko. December 21 and January 1 ang flights ko.
Di ko naman alam na ganon kabilis maubos ang seats sa CEB. Kung alam ko lang... Ipa-book ko na kaya ang flights ko for 2008!

Pangkalahatang pagpupulong ng kasapian






Sa English, General Assembly. Kahapon ang ika-30 pangkalahatang pagpupulong ng kooperatiba. Nasa batas kasi na dapat magkaroon ng taunang pangkalahatang pagpupulong para maipresenta ng pamunuan ang mga nangyari sa operasyon sa nakalipas na isang taon at para maihayag at maaprubahan ang mga plano sa susunod na taon.
Syempre merong diskusyon lalo na sa issue ng qualifications ng mga pwedeng kumandidato bilang Director. Naresolba naman ito pero naantala ng kaunti ang mga paguulat dahil dito.

Thursday, March 1, 2007

Bo

Sabi ni Bo, yung mga gawi/ugali/gawain madalas kinaiinisan o kinagagalit sa kapwa ay yung gawi/ugali/gawain na meron ka din, na alam mong mali, at alam mong di matutuwa ang iba pag nalaman ito.
Guilty ako in a way. Di ko na kailangang i-specify. LOL.

LSS: Geek in the pink

Yo, Brotha A to z,
Yo, wussup B,
Yo, What time is it?

Ha-ha, It's laundry day!

(do do do...)

Well let the geek in the pink take a stab at it
If you like the way I'm thinkin' baby wink at it
I may be skinny at times but I'm fat fulla rhymes
Pass me the mic and I'm a grab at it
Well isn't it delicious crazy way that I'm kissin'
This baby listen to this don't wanna miss it while it's hittin'
Sometimes you gotta fit in to get in
But don't ever quit cause soon I'm gonna let you in but see

I don't care what you might think about me
you'll get by without me if you want
Well,I could be the one to take you home
Baby we could rock the night alone
If we never get down it wouldn't be a let down
But sugar don't forgetin' what you already know
That I could be the one to turn you out
We could be the talk across the town
Don't judge it by the color, confuse it for another
You might regret what you let slip away

like the geek in the pink (do do do...)
well like the geek in the pink, yeah (geek in the pink)

Well my relationship fodder don't mean to bother nobody
But Cupid's automatic musta fired multiple shots at her
Because she fall in love too often that's what the matter
At least I talk about it keep a pattern of flattery and
She was starin' through the doorframe,and
Eyeing me down like already a bad boyfriend
Well she can get her toys outta the drawer then
Cause I ain't comin' home I don't need that attention, see

I don't care what she might think about me
She'll get by without me if she want
well, I could be the one to take her home
Baby we could rock the night alone
If we never get down it wouldn't be a let down
But sugar don't forgetin' what you already know
that I could be the one to turn you out
We could be the talk across the town
Don't judge it by the color, confuse it for another
You might regret what you let slip away

Hey baby look at me go
From zero to hero
You better take it from a geek like me
Well I can save you from unoriginal dum-dums
Who wouldn't care if you com....plete them or not

So what I've got a short attention span
A coke in my hand
Because I'd rather have the afternoon, relax and understand
My hip hop and flip-flops well it don't stop with the light rock
A shot to mock you kinda puts me in the tight spot
The hype is nothing more than hoo-ha so I'm
Developing a language and I'm callin' it my own
So take a peek into the speaker and you'll see what I mean
That on the other side the grass is greener

I don't care what you might think about me
You'll get by without me if you want
I could be the one to take you home
Baby we could rock the night alone
If we never get down it wouldn't be a let down
But sugar don't forgetin' what you already know
I could be the one to turn you out
We could be the talk across the town
Don't judge it by the color, confuse it for another
You might regret what you let slip away
like the geek in the pink (do do do...)
I'm the geek in the pink ya'll
geek is the color for fall
i'm the geek in the pink
so i'm the geek ya'll
in the pink ya'll
geek is the color for fall
i'm the geek in the pink