Muntik na nasunog ang landlady ko kanina. Buti na lang nakita ko na mataas na yung apoy nung pinapausok nyang kung ano-anong dahon para daw sa sumasakit nyang likod. Kasi kahapon pa sya nagrereklamo na masakit ang likod nya. Kanina nga paglabas ko, inabutan ko na nagpapa-usok sya ng sarili nya. May burner sya sa harap nya na may uling, tapos may nilalagay syang mga bato at mga dahon. E nung patapos na sya, binuhos nya yung isang bag nung tuyong dahon. Syempre andaming usok nun. At ang kasunod ng usok---apoy! Aba, muntik ko na magamit ang fire extinguisher nyang bago sa kanya mismo!
+++++
May dede ang whale sa may bandang abdomen nya.