Sana kung student pa ko. E hindi na e. Kaya pumunta kami ngayon sa Calatagan to visit one of our projects there. Sa Lucsuhin yung farm. Puro sa pamilyang Zobel nga pala dati yung Calatagan. May Zobel Elementary School at Zobel Plaza dun lang sa Lucsuhin. Di ko pa masyadong nai-explore ang bayan. Baka pati dun puro Zobel din.
Isang magandang place na puntahan sa Calatagan e yung port. Maganda ang dagat dun at maraming murang kalakal. Malapit din dun yung pinaglibingan sa nalaglag sa kabayong Zobel na naging paraplegic. Maganda yung site, parang next to heaven. Serene at kita lahat ng activities sa port area kung andun ka sa lighthouse. Malapit sa lighthouse yung libingan which is opposite nung port.
Anyway, nasa 1.2, 1.0 at 0.8 ang average weights nung binisita naming broiler na 27 days ngayon. Malayo sa ideal weight pero pwede na rin. Considering na mukhang merong subclinical IBD ang flock. Tinatanong nga nung may-ari kung ano pwedeng gamot sa IBD. Sabi ko, "I-imbentohin ko pa po!". At least magalang, may po.
Nakaka-asar isipin kung saan nagsimula noong unang sumulpot ang sakit na IBD. Dahil kaya ito sa intensive farming? Dahil sa mataas na population density? O dahil kay lord?
Bukas, iikutan ko ulit yung mga kaya kong ikutan na manukan. Ipi-pray over ko sila para gumanda ang FCR.
Buong hapon naman ay umattend lang ako ng management meeting ng ManCom (Management Committee) ng koop. Ang haba. Di ko na napatapos. Pero maganda rin na mahaba dahil naaayos ang ugnayan ng mga supervisor ng koop. Buti na lang may openness ang bawat isa, ito ang maganda dito. Kaya kung may mga issues na lumalabas ay nare-resolve agad. Ang wish ko, sana mapa-iksi pa ang meeting para mas maraming magawang trabaho.