Ang resistensya ng manok ay may dalawang kategorya:
1. Non-specific immune mechanisms: Eto yung mga natural na kasama ng manok sa kanyang pagkamanok (as in pagkatao). Simula nung mapisa ang itlog nya meron na sya nito.
-Genetic: Halimbawa merong manok na likas na resistant sa lymphoid leucosis.
-Init ng katawan: mas mainit ang normal temperature ng mga manok at iba pang ibon kaya di nabubuhay sa kanila ang ibag bacteria na nabubuhay sa ibang mammals.
-Mga bahagi ng katawan: Eto naman yung proteksyong dulot ng balat at ng mga mucus secretions ng katawan.
-Mga likas na mikrobyo: Mga good bacteria naman ito na tumutulong mag-exclude ng bad bacteria. Meaning, di nila hinahayaang kumapit ang masamang bacteria, instead na bad bacteria ang kumapit, sila na lang. Kaya dapat judicious ang pag-gamit ng antibiotic.
-Cilia ng daanan ng hangin: Mahirap ipaintindi ito sa ordinaryong magmamanok. Pero malaki nga ang epekto sa manok sa sandaling masira ang mga cilia nya sa daanan ng hangin. Makikita ang mga cilia sa tubo ng hangin mula sa ilong papuntang baga. Madaling silang masira pag mataas ang concentration ng ammonia sa titahan ng manok. Madali itong obserbahan, amuyin mo lang alam na. Kadalasan nangyayari ang accumulation ng ammonia sa mga mabababang building (mas mababa sa anim na talampakan ang taas). Kaya dapat bago magpatayo ng building, kumunsulta muna sa beterinaryo. Mataas din ang concentration ng ammonia sa basing ipot.
-Iba pa
i.Pakain: Immunosuppressive ang pakaing may toxins na galing sa amag. Kaya dapat nasusuring maigi ang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa paggawa ng pakain ng kahit anomang hayop.
ii.Kapaligiran: Ang sobrang init o lamig ay nakakaapekto ng malaki sa resistensya ng manok. Ang ibat-ibang edad ng hayop ay may kanya-kanyang optimum temperature. Halimbawa: ang biik at sisiw ay nangangailangan ng init. Pero ang malaki at may edad na na baboy o manok ay nanganagilangan ng lamig. Para mas madaling intindihin, isispin mo na lang na habang lumalaki ang baboy o manok ay nagkakaroon sya ng jacket na di nahuhubad, kaya pagdating nya sa panahong buo na ang jacket ay di nya kakayanin ang init na kaya nating mga tao.
iii.Edad: Ang mga batang manok at matandang manok ay mas sakitin. Parang tao rin. Mas magandang maging pediatrician o geriatrician kasi mas maraming kliyente!
Itutuloy