Nag-malfunction lang naman ang brake nung minamanubela kong sasakyan.
Ganun pala ang feeling pag wala kang kontrol sa sasakyang drive mo, gusto mong tumigil pero di mo magawa. Salamat sa kakawati, tumigil ako.
Pagkatapos ng episode na yun, takbuhan yung mga tambay malapit dun papunta sa akin. Kala kasi nila may nangyari ng masama sa akin. Nung nakadungaw sila sa akin gusto kong tumawa pero di ko magawang tumawa kasi baka masuntok pa ko. Baka sabihin nila di ko siniseryoso ang ganun ka seryosong pangyayari. Gusto kong tumawa nung panahong yun kasi gusto ko i-exhale yung nararamdaman ko. Kaiba e. Ambilis ba naman ng takbo ko kasi ng overtake pa ko ng ilang sasakyan bago ko napansin na di gumagana ang brake ko. Kailangan ko na kasing tapakan yung preno dahil may nakaparadang bus na umuukupa ng halos katlong bahagi ng daan. E ayaw ngang kumagat ng preno.
Wala namang visible na damage sa sasakyan. Sa puno ng kakawati meron.
Nakatulong naman na di malalim ang kanal sa bahaging yun ng highway at walang malaking puno sa napili kong likuan. Nung inikot ko nga yung lugar e para talagang may pathway na inihanda para sa ganung event para sa akin mismo!
Mga aral:
- Bago umalis, siguruhing gumagana ang preno.
- Wag masyadong matulin ang patakbo. Hayaang maghintay ang pupuntahan. Mas mahalaga ang buhay ko kesa buhay ng baboy nila.
- Itapon ang bulok na sasakyan. Pag-nasira minsan, itapon na at sunugin.
Site nung muntik nang maganap na malagim na crash. Dyan ako sa kanan pumasok. Masdan ang distinct na tire marks. Stationary ang bus.
Nakarating ako dyan. Sa parteng ito unti-unti nang bumabagal ang sasakyan.
Nasaging kakawati.
Sentro ang marka ng gulong.