Sunday, May 29, 2005

Setaw

Hindi ako orig na taga-Silang kaya natural lamang na umupa lang ako ng apartment dito. Dumating ako dito nung December 2003 at noon ko unang nakausap ang landlady ko ngayon. Nung una kong punta di naman ako masyadong nakipag-usap. Di nga ako nagbayad muna ng deposit. Sabi ko lang: "Balik na lang po ako sa December 7 para mag-lipat ng mga gamit." Yun lang sabay alis. Kasama ko noon si Tony at si Emi.
Si Emi, naging kapitbahay ko for several months. Dun lang sya nakatira sa tabi ng apartment ko. Umuupa rin.
Pag-balik ko from Los BaƱos nung December 7 e dala ko na ang mga abubot ko at may pasok na kasi simula nung 8.
Nung unang buwan ko dito e di pa ako masyadong namamansin ng mga tambay...