Vinegar
My work allows me to interact with rural folks on a daily basis. Kaya naman andami ko natututunang kung ano-ano. Katulad na lang ng paggamit ng suka. Isa ang suka sa favorite remedy ng mga tao dito para sa may sakit na hayop. Akala ko pang-adobo lang ang suka. Di pala!
Halimbawa: may lagnat, walang gana at mahina: pahid ng suka. Inuubo: pahid ng suka!
Preferred ang puting suka than clear. So, "in" ang Datu Puti, sugar cane vinegar, yung galing coconut at yung galing sa kaong.
Ang maganda, most of the time it works! May kinalaman ba ang faith dito? E wala naman faith ang hayop.
Pinakamaganda ang response pag ginamit sya sa bagong dating na starter (20kg BW). Minimized talaga ang fighting, so lesser ang stress sa pigs.
Nakakatuwa nga yung isa, one step ahead talaga kasi may kakaiba syang concoction: vinegar plus dahon ng litlit at dahon ng nganga. San ka pa?!
Vinegar II
Alam ko na masarap na sawsawan ng isaw ang suka at maraming gamit ang suka pero ngayon ko lang nakita ang actual na paggamit ng suka para sa broiler na may halak. Positive din ang response nila at ginagawa pa rin nila yun hanggang ngayon.
Vinegar III
Duda na talaga ako kung may nagbabasa ng mga posts ko dito dahil hangang ngayon e wala pa rin comments sa mga posts ko. Wala naman kasi stats itong blog ng friendster, di-tulad ng geocities account ko.
Anyway, puntahan natin ang paksa ng suka. May natutunan na naman akong panibagong gamit ng suka. Maaari din pala itong gamitin sa manok sa pagkakataon ng pagkalason! Wirdo no? Pero meron kasing konting pagkagasgas ng balat ng balunan and isang pulutong ng manok ko. Sabi nung binilhan namin ng sisiw e maaaring magbigay ng suka kalahok ng painom na tubig. Ang halo daw e isang litro bawat labing walong litro ng tubig. Ipaiinom ito sa loob ng dalawang araw.
Di ko pa nakikitaan ng pagbabago ang balunan ng mga manok sa ngayon, sabagay, isang araw pa lang naman nila itong iniinom.
Babalitaan ko kayo kung epektibo nga ito. Sya nawa.
-----
Walang diaphragm ang mga ibon. Pero meron silang air sacs.