Monday, December 18, 2006

Anting2x

Bakit kaya kailangan ng anting-anting? Kanina habang nasa rota kasama ang mga kaopisina, andaming kaguluhan kong nadiscover. Merong intruder sa farm (daw) na pinaputukan ng baril ng kapitan. Na merong nagnanakaw ng baboy at feeds, atbpang katarantaduhan ng mga tao doon sa malapit sa farm. Bakit kaya merong ganong klase ng tao.
Dati nga, iniisip ko kung gaano kalaki ang masi-save ng Pilipinas kung walang internal at external threat at di na kailangan ng sandatahang lakas at pulis. Sapat na sapat na siguro yun para sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas, kahit isang linggo lang itong mangyari. Wkl.
Tapos, balikan natin yung anting-anting. Meron kami pinuntahan kanina na merong nakataling piraso ng bao na isa daw ang mata. Di kaya nag-iilusyon lang sya na makakatulong yun sa kanya? Wala kasi akong bilib sa ganon. Basta namumuhay ka ng wala kang inaagrabyado, sapat nang anting-anting yun para sa kaligayahan at kasaganaan mo.
Palagay ko, para rin yang faith healer, faith lang ang kailangan. Pero baka di rin kasi minsan may napanood ako sa MGB, yung Tadtad Group. Namatay din sila noong pinaulanan ng bala ng mga sundalo, di ba?