Friday, January 19, 2007

BPI

Na-approve nga pala yung application ko sa BPI para sa credit card. Palagay ko naapprove ito dahil nagbukas ako ng savings account sa kanila. Pero di pa nila ako tinatawagan para sa pagpapadala nila ng card mismo.
Kinailangan kong magkaroon ng credit account para maimprove ang aking credit standing. Kasi ni wala man lang akong credit record. Mahalaga (daw) ito para sa hinaharap kung sakaling kailangan kong mangutang ng malaki. So dapat, up-to-date lagi ang pagbabayad at walang lalampas sa due date sa loob ng isang taon. BPI ang napili ko kasi marami silang promo at accessible ang opisina nila dahil depositor ang opisina namin doon. So kung may kailangang gawing mga deposito, pinapadala ko na lang sa kaopisina ko. Di na kailangang pumila at walang hassle talaga.
Maganda rin yung EPS ng BPI kaya nga lang di naman accepted sa maraming establishment kaya wala rin. Sa SM ko lang nagamit. Andami pang shops sa SM ang di tumatanggap ng BPI EPS.
Sa BPI pwede ang online banking, kaya dito ko na rin binabayaran ang bills ko. Kaya ngayon di ko na kailagang pumunta ng SM para magbayad ng bill sa phone. Di ko na rin kailangang pumunta sa MEralco para magbayad dun. Tubig na lang ang problema! Ang ginagawa ko nakikibayad na lang ako sa landlady ko.
Maganda yung expressonline nila dahil narereview ko yung transactions. Kaya nalalaman kung san napupunta ang pera. Kaya pagsweldo, pinapasok ko muna ang mga perang papel dito.
Yung wala na lang e yung sa Philequity, kailangan pa rinng puntahan sa Ebiz para mag deposito. Pero pagtitiisan ko na muna kasi once a month lang naman ang naipangako ko doon.