Thursday, January 11, 2007

Engine Trouble

Nasiraan ako ng sasakyan kanina sa bandang Alfonso, Cavite. Ang galing! Habang naghihintay ng hihila pauwi ay nalinis ko ang interior ng sasakyan!
+++++
Pero disaster yung pagpapahila kasi napakahirap. Handbrake lang ang nagagamit ko kaya halos mamanhid ang braso ko. Lalong mahirap kasi lubid na maiksi ang nagamit namin. Kaya kinailangang mag-ingat sa pagpreno yung humihila at ako, ang hinihila.
+++++
Late na tuloy ako nakauwi. Paguwi pumunta akong SM para bumili ng sapatos. Ayos mamili pagkatapos ng holidays. Andami kasing sale kasi alam nila ubos na ang pera ng mga tao. :)