Maraming exhibits dun pero napakaliit naman ng venue kaya mahirap maiwasang mabati ang mga taong ayaw batiin at pansinin. Sabi nga ng isang brod kong ayaw pumunta, kaya daw ayaw nyang pumunta e dahil ayaw nyang makipagplastikan. May punto sya di ba?
May maganda nga palang pangitain dun kanina kasi media presentation ng Bb Pilipinas dun. Ayus ang parada nila sa tabingdagat habang lumulubog ang araw! Ang ganda ng contrast.
Bukas ang hinahabol kong mapakingan ay ang talumpati ni Dr. Too, isang Malaysian na eksperto sa hog cholera at PCV. Narinig ko na sya dati sa Asian Pig Veterinary Society at ayus ang mga points nya tungkol sa epidemiology, transmission at control ng nasabi kong mga sakit. Isa pang inaabangan ko e ang lecture ni Dr. Masangkay na dati kong guro sa Pathology sa UPLB. Magaling sya sa environmental science at sa exotics at nakakaaliw ang mga pinagsasabi nya. Sa kanya ko unang narinig yung kay Dracula, na may rabies daw si Dracula dahil lahat ng signs ng rabies e meron sya (di makalunok kaya naglalaway, nangangagat, takot sa liwanag, naghahawa, atbp.). Na kaya daw di sya namatay e baka di pa nakakamatay ang rabies nung mga panahong yun o baka ibang strain yung ng rabies kesa sa uso ngayon.
-----
Maraming salamat nga pala sa link mula sa What's upLB.
-----
Ngayong Byernes, pagkakuha ko ng Certificate of Attendance tumalilis na ko. Ok naman ang plenary session kanina.