Wednesday, March 7, 2007

Ad lib feeding

Mahirap ipaintindi ito sa mga ordinaryong naghahayupan.
Ad lib=ad libitum, ibig sabihin tuloy-tuloy na makakakain and hayop (baboy o manok) hanggang gusto nya, kahit anong oras at kahit may tao o wala, araw man o gabi. Ginagawa ito dahil ang baboy at manok ay kumakain upang mapunuan ang pangangailangan nila sa enerhiya (Energy! Di ba more energy mas happy?).
Sabi ng ibang backyard raiser, di daw maganda ito dahil masyadong magastos sa feeds, dahil mas dadami daw ang makakaing feeds ng baboy at limitado naman daw ang paglaki ng hayop.
Totoo nga na limitado ang paglaki ng hayop. Kasi dinidikta ito ng lahi ng nanay at tatay nya. Pero di totoo na mas dadami ang makakain nilang feeds. Kasi nga di naman sila kakain ng sobra-sobra sa pangangailangan nila sa enerhiya. Pag nasatisfy na ang pangangailangan nila kusa na naman silang magpapahinga (hihiga, matutulog o maglalaro). Kaya di totoo na mas mapapagastos ka pag tuloy-tuloy na available ang pakain sa pakainan ng hayop.
Isang importanteng bagay dito na dapat maiwasan ay ang pagkakasayang ng pakain dahil sa spillage. Maiiwasan ito kung paunti-unti lang ang labas ng pakain sa feeder (gravity type) o kaya naman konti lang talaga ang ilalagay, dalasan na lang para din lagi itong sariwa at mabango. Na lalo ding makaka-stimulate ng gana nilang kumain.
Dapat lang tandaan na malaki ang ginagampanang papel ng genetics sa paglaki ng hayop. Dahil kung ang baboy na inaalagaan ay mahina ang lahi (inbred o native), di rin magiimprove ang paglaki kahit ad libitum ang pakain.
Isa pa pala: madaling kapitan ng sakit ang hayop na kulang ang energy intake. Bakit? Palagay ko, dahil nasa catabolic state sila (ginagamit ang stored energy para uminit ang katawan).
Para maiwasan ang pagkakasakit:
  • Dapat iwasan ang restricted feeding. Dapat makakakain ang hayop anytime maramdaman nyang gutom sya.
  • Dapat malakas ang pressure ng tubig (sa baboy) up to 2 liters per minute sa mga inahin. Kailangang ma-monitor ito araw-araw. Sa manok, madalas dapat ang pagpapalit ng painom na tubig. Importante din ito dahil related sa water intake ang feed intake. Di kakain ang di nakakainom. AT dapat tandaan na more than 75% ng katawan ng batang hayop ay tubig. Kaya sa proportion ng katawan mas marami dapat mainom ang mas batang hayop, so sa simula pa lang tutukan na dapat ang pagpapainom.
  • Siguruhin din na may sapat na dami ng painuman at pakainan. Sa biik 1:10-15 ang baboy to drinker ratio. Kung mahina ang pressure, gawan agad ng paraan na lumakas ito. Di magtityagang magsipsip ng tubig ng matagal ang baboy. Siguruhin ding nasa tamang taas ang pasipsipan ayon sa tangkad ng umiinom. Sa manok naman 20-40 galloners ang dapat nakalagay sa brooder para wala silang choice kundi uminom. Dahil kung iinom, kakain. Gumamit ng planggana ng mas maaga, basta abot ng sisiw kahit day 11 o 12 pa lang. Wag na intayin na magbakuna pa (21 days) lalo na pag tag-init.
Yan na muna, saka na yung ibang factors. Kasi nga maraming factors ang nakakaapekto sa paglaki ng hayop ngunit di naman pwedeng i-solve lahat ng problema at one time. Maganda, masimulan man lang sa isa para makita agad kung may improvement o wala.

Next: KURTINA :)