Wednesday, November 22, 2006

Dog Buyer

It's not uncommon to find these people that drive around villages to buy dogs. Standard vehicle is a tricycle. I've seen several of them in different locations. It seems na ang business nila is buy and sell ng aso. At ang kakaiba dito, meron talaga mga households sa Cavite na nag-aalaga ng aso para ibenta. Ang malabo e bakit pinapangalanan pa nila yung aso. Kasi di ba kung nag-aalaga ka ng baboy for meat production, di mo naman papangalanan isa-isa. Di ba masakit sa damdamin magbenta ng aso na ginawa mo nang pet? Sana kung ang purpose ng pag-aalaga e ibenta yung aso e wag na pangalanan para walang attachment, emotional man o kung ano.

He he. Hirit lang yan. Unlike sa ibang bansa (Korea, etc), may Animal Welfare Act ang Pilipinas kaya illegal ang pagkatay ng aso. Di rin legal yung pag-aalaga ng aso for meat production. Kung bahagi ng kultura ng tribo nyo ang pagpatay, pagluluto, at pagkain ng aso, excempted yun.



-----
Walang vitamin C ang itlog.