Thursday, December 21, 2006

Bagong mukha

Makaraan ang ilang araw na pagkakalikot, ayan, natapos din at may bagong mukha na ang ruralvet.blogspot.com. Maraming nabago kasi di na beta ang bagong blogger. Malaking tulong ito sa katulad kong nangangapa sa mga script na di ko naman nauunawaan talaga. Ang ginawa ko, hinanap ko ang bagong version nung dati kong template, matagal din yun. Tapos ini-upload ko ito sa bagong blogger at kinumpuni ayon sa gusto kong itsura. Isa-isa yun, ginamitan ko na lang ng google yung mga di ko naiintindihang mga styles, nagigets ko naman ng konti ang css kaya di gaanong mahirap. Pero, trial and error pa rin yan. Nakapagpabilis ng ginagawa ko yung mabilis na preview ng blogger.
+++++
Isa-isahin natin ang mga nabago:
  • May supernav na at naglalaman ito ng links sa Friendster ko, sa iba pang blog at sa e-mail link.
  • May picture na sa header. Ako yan, nakatingin sa hinaharap.
  • May search unction na rin sa ibaba ng header. Halimbawa may keyword kang naisip na gusto mong hanapin, i-type mo lang dun at lalabas ang mga nahanap. Nasa navbar dati yan ng blogger, kinuha ko lang at nilipat sa baba, at tinago ko yung blogger navbar, andyan pa rin yun, di lang makita.
  • Meron nang label cloud, konti pa nga lang (kaya di pa sya mukhang cloud).
  • May last.fm recently played chart din.
  • Meron ding preview ng comments sa side panel.
Yun lang pero antagal ko ginawa yan. :)