Monday, January 1, 2007

Butterfly Garden sa Puerto Princesa

Kasama kasi namin ng nanay ko ang pinsan ko na inaanak ko rin kaya kami dumaan dito. Matatagpuan ito sa Sta. Monica, malapit sa elementary school doon. May kaliitan ang lugar kaya hitik na hitik ito ng paro-paro. Mas magandang pumunta dun bago mag tanghali kesa hapon dahil mas aktibo daw sila pag paliwanag.
May maiksing video na pinapapanood sa mga bisita bago pumasok. Magandang panoorin muna ito bago pumasok sa loob para lubusang mainindihan yung mga nakikita.
Naninigil sila ng bayad sa pagpasok pero 55 pesos lang, tatlo na kami. Kadalasan, kasama ito sa City Tour package na inio-offer ng mga guide sa Puerto Princesa.