Monday, January 1, 2007

Nakakahiya!

Kaninang umaga ako lumipad galing Puerto Princesa papuntang Manila. Syempre galing pa ako sa bahay sa Roxas, maaga kami umalis doon. Alas onse ang schedule ng pag-alis ng AirPhilippines na sinakyan ko. Kaya maaga akong nag check-in, bandang 9:30, boarding pa lang ang PAL e nakakuha na ako ng boarding pass. Di ako sigurado kung maaga ako nyan, mukhang hindi. Pero dahil pakiramdam ko pagkaaga-aga pa, lumabas pa ako ng airport at naglakwatsa! Dahil naubos ang pera ko, pumunta pa ako sa ATM ng Landbank sa Rizal Avenue para mag-withdraw. Tapos may pinuntahan pa ako sa malapit sa Roxas Street, may tiningnan kaming opisina pero sarado din kasi nga holiday. Tapos, pakiramdam ko wala pa rin yung eroplano kaya nagyaya pa akong mag-miryenda. Punta naman kami sa ChowKing para mag halo-halo. Syempre, kahit halo-halo lang yun, dahil ChowKing nga, e niluto pa yun, so antagal bago i-serve kahit tatlong mesa lang ang okupado. Ayun, napakwento, kwento-kwento. At. Alas onse na pala, kaya karipas agad kami sa airport. Pagpasok ko sa gusali, wala na yung mga pasahero! Ako na lang! So, lakad ako papasok, di rin ako agad nakadiretso kasi may bayad pa pala yung terminal (fee). Dahan-dahan pa akong nagbayad, malay ko bang ako na lang ang hinihintay! Pagpasok ko sa terminal, pakiramdam ko naiihi ako, kaya nagpaalam ako dun sa bantay sa gate na iihi muna ako. Noon lang pumasok sa isip ko na ako na lang talaga ang naiwan! Paglabas ko ng gate ng terminal papuntang eroplano (nakapark lang kasi sa space sa harap ng terminal) aba nakita kong hinihila na ng mga tauhan ng airport ang nagiisang hagdan paakyat ng eroplano palayo! At sarado na ang pintuan nito! Bigla ko naisip na hanggang ngayon na lang ang LOA ko at kailangan na talagang magtrabaho bukas. :)
Buti na lang, mabait sila ngayon. Ibinalik nila yung hagdan, at kumatok yung isang mama sa pintuan ng eroplano. Antagal bago buksan! Kala ko nga di na bubuksan. Buti binuksan.
Pag-akyat ko parang cartoons. Unti-unti akong lumiit (unti-unti talaga!) at nagtransform sa invisible mode at dahan dahang (parang naka-tip toe, di ko maalala) akong naghanap ng mauupuan. Taken na ang upuan ko (Bwiset! Nirequest ko pa naman ang window seat.). At isa na lang ang upuang bakante. Yung akin lang talaga. :) Katabi ko ang isang malaking British. Kaya umupo lang ako doon at nagpaka-maliit. Ayun, habang nagtitake-off unti-unti na akong lumalaki ulit.
+++++
Nakwento ko na ba na nung papunta ako (Dec. 23), e nag nose bleed ako sa eroplano nung bumababa na ang eroplano? Parang tanga ang ilong ko. Buti di lumabas yung dugo, dun lang sa loob. Pero super uncomfortable ang pakiramdam.