Wednesday, December 6, 2006

Sari-sari

I'm currently having problem accessing my mails in my Yahoo Mail account. This may have been due to my swithing back and forth from the original to the Yahoo Mail Beta. Ayun nagkaroon ng glitch. I'm accessing it now via MS Outlook which takes some amount of time to download. To remedy the slow loading I opted to only download message headers. Pinipili ko na lang yung message na maganda ang subject na sya kong dina-download in full. Kaya yung ibang sender at saka yung automatically nalalagay sa mga folder (f*ck those filters, sino ba nakaisip non?) e di ko nababasa yun.

I suspected that my PC was infected by a virus, kaya nag download ako ng Avant. Ok to kasi free, kasi nga wala naman ako credit card para mag-purchase online. Syet. Kelan kaya ako magkaka-card? Anyways, nung nag full scan yung Avast, may nadiscover syang mga Trojan na nakabaon sa nuknukan ng PC ko.

Eto namang customer support ng Smart di naman ako tinutulungang mag-fix. Tatlong beses na akong tumatawag sa kanila, once a day simula nung December 4 pa. As useless, wala pa ring response from their "higher technical" group hanggang ngayon. Ang gulo nga kasusap e. Papatawagan daw ako pero ayaw naman sabihin kung kelan ako tatawagan. Di na talaga ako magtatagal sa kanila. Tatapusin ko na lang ang 12th month ko, na sa kabutihan ay ngayon na! Yehey!
-----
Grabe talaga yung efect ng bagyong Reming sa Bicol. Tinext ko yung kaibigan ko kanina about it, sabi nya kung naiisip daw nya ito e parang ayaw nyang gumastos, dahil nga masyadong maraming tao ang mas nangangailangan. Isipin mo nga naman, andaming tao ang literal na nilipad at nabaon ang tirahan. Gaano kahirap itayo ulit yun? Para na ring nasunugan.

Noong Milenyo marami ring apektado kaya merong mga nagsasabing may (nakalimutan ko yung term) kahirapan na ang pangungolekta ng tulong ngayon. Una, mahirap talaga ang buhay. Pangalawa, maraming mga dapat tulungan. Sa dinami-dami ba namang mga trahedyang nangyayari dito sa Pilipinas. May landslide dati, may naapektohan ng oil spill, may bagyo at ngayon, may bagyo ulit.

May foreign aid naman kaya lang mukhang di nga naman yun umaabot sa mga naaapektohan talaga.

Malungkot ang pasko.
------
Bababa ang pamasahe sa jeep! Magiging 7.00 na lang simula Lunes. Kasi nga di naman jeep ang main mode of transport sa probinsya namin kaya noong freshman ako sa LB natuwa ako kasi ang mura-mura ng pamasahe sa jeep. For 1.25 malayo na mararating. Kasi that time 4 ata ang minimum fare sa amin. Kaya noon, kahit malapit lang sumasakay ako.
Pero after ma-deregulate and oil industry sa Pilipinas paunti-unti nang tumaas ang pamasahe at umabot nga ng 7.50. Syempre kasama na rin ang epekto ng inflation dyan kaya ganyan.
------
Uuwi ako sa Pasko, balik ko dito ay New Year na. Sana maging makabuluhan ang uwi ko ngayon. Katulad ng last year. Mas mahaba ngayon kaya magpapataas talaga ako ng aking blood cholesterol. Inihahanda ko na ang puso ko. :)
Sana maging makabuluhan ang pasko nating lahat.
-----
Walang sweat glands ang manok at iba pang ibon kaya di sila nagpapawis. Napapalamig nila ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagipot at paghinga.