Thursday, December 7, 2006

Ayos Kid!

Yan ang nilalagay ni Dr. Masangkay sa Bluebook pag mataas ang score sa Pathology Exam namin dati. Antagal na nun a.
Bukas ang ikatlong taon ko dito sa pinaglilingkuran kong kooperatiba. Andaming nangyari, merong mabuti at merong masama. Andami ko natutunan lalo na sa mga area na mahina ako katulad ng--- sa maniwala kayo o hindi---math! :) Marami pa rin akong pinag-aaralan dahil marami pa akong dapat matutunan. Kasi nga di talaga dapat tumigil sa pag-aaral, or else mabubulok ang utak.
Isa na lang ang di ko talaga kayang matutunan: ang maging magalang. Yung magalang na di mukhang plastik. Yun.
Wala lang:
Maliban sa baboy ang cecum ng ibang hayop ay nasa gawing kanan.