Saturday, December 16, 2006

Ubra

Masaya ang Christmas party ng Ubra/Eggboard dahil mataas ang presyo ng manok at ng itlog. Maliban dun... la na. Parang Alyssa Alano (yung may Keys Me) yung isang singer na nagperform nung gabing yun. Hinihiritan nga syang kumanta ng Keys Me...
+++++
Napakaaga ko kanina kasi nag-assist ako sa delivery ng dumalaga. Pangalawa na ito. Kasama dito yung replacement sa nireject. Kaya pagbalik sa opisina, nagmamadali akong magreport para makauwi agad. Paguwi tulog. Ngayong hapon ang christmas party sa opisina na gaganapin sa isang kainan dito sa Bypass. Di ko alam kung ano ang tema ngayon. Jollibee kiddie party kasi nung nakaraang taon. E lumabas ang Jollibee Scandal, ayaw na nila kay Jollibee. Jollibee kasi para yun sa pamilya ng mga empleyado, kasama mga anak-anakan. Sobrang dami nga nung nakaraang taon. Parang fiesta.
Noong unang taon ko naman dito simple lang, kapanahunan ata yun ng pagkukuripot. Di kasi kasama pamilya. Ganon din nung pangalawang taon ko, ang kaibahan lang kumanta ako noon kasama nung ka-team sa sportsfest.
Alalahanin ko isa-isa:
Una: Sa Villa Luz
Pangalawa: Sa Villa Luz, kumanta ako, natakot sila
Pangatlo: Sa La Sallette, Jollikiddie Party
Pang-apat: Sa Villa Luz ulit
May susunod pa nga pala kaming party sa Last Friday Club naman, malamang sa susunod na taon na yun, bago mag tatlong hari.
+++++
Uubra kaya itong tip ko: Kung pupunta ka sa mall, wag ka magdala ng perang wala kang intensyong gastusin upang maiwasan ang impulse buying.
+++++
Alang kwenta yung xmas party ngayon. Di ako masyadong nagenjoy. Ang gugulo kasi ng mga bata. Lusob ang nangyari. Nilusob nila lahat. Cotton candy lang na-enjoy ko. We he he.
+++++
Dahil di ko nga magawa yang tip ko, nung pumunta ako kanina sa SM Dasma para magbayd ng mga bill ko sa Smart, bumili ako ng mga audio CDs. Syempre dun sa peborit genre ko:
  1. Dreamsounds 3
  2. Tony Bennett Duets, An American Classic
  3. The Best of Jeffrey Michael, Evolution
Ang ganda ng ginawa ni J. Michael sa Pachelbel's Canon in D! Super relaxing talaga. Tsaka it reminds me of my sassy girl.