Thursday, December 14, 2006

Beterinaryo

Plano kong pumuntang LB ngayon. Sana matuloy. Mag pa-file lang ako ng application sa GS.
+++++
May beterinaryo nang nakaposte sa farm, si Joy, simula kahapon.
+++++
Natuloy naman ang pagpunta ko ng LB para mag-file ng application para sa GS. Pero bago yun dumaan muna ako sa bahay ng Bise ng Amadeo. Mula doon, diretso na dapat ako ng LB, ngunit...GROUNDED ang busina ng sasakyan ko! Bigla ba namang bumusina nang tuloy-tuloy. Nasa Bayan ako noon. Kaya mula Bayan hanggang sa pagawaan (napilitan akong magpagawa dahil nga ayaw tumigil ng busina, we he he! anlakas pa naman noon, kambal kasi) tuloy-tuloy-tuloy ang busina ko!
Noise barrage talaga.
Inabot nga lang ako ng tanghali doon sa pagawaan ng electrical circuit ng sasakyan. Kaya hapon na ako nakarating ng LB.
Uneventful naman. Di ko lang nagustuhan yung paghingi ng ID ng UPF sa admi bago ako pinapasok. Di naman ako mukhang terorista, lalong di rin mukhang manghoholdap! Di naman ako nagtagal doon, nagbayad lang ako sa Cashier, sa Window 11, ng application fee. Pagkatapos diretso na ako sa CVM para kunin yung iniwan kong mga recommendation forms. Sa kamalasan, di ko inabutan yung isa kong dating guro kaya isa lang ang nadala ko sa GS para i-file.
Pagdating ko naman sa opisina, tyempo namang may papuntang QC, xmas party daw ng UBRA kaya sama naman ako. Kaya eto senglots, at natulog lang ako sa byahe. Take note, papunta, at, pabalik, tulog si ako. We he he.
Nakatulog ako papunta gawa ng nainom kong neozep. Pabalik, nakatulog ako sa ka-senglotan.
Maaga pa naman ako bukas....