Wednesday, January 3, 2007

First Day High

Unang araw ng trabaho kahapon sa taong 2007 na year of the pig pala. Sana lucky pig ito. Galing ako sa mahabang bakasyon kaya medyo nakakauta pero andaming surprises e kaya in the end nakakatuwa ang araw na ito!
May dala akong pasalubong kasi nga umuwi ako, pero, it turns out na kulang pa rin ang nadala ko! Katulad pa rin nung nakaraang taon. Andami lang talaga siguro nila.
Unang surprise: xxx% productivity<---WOW, totally unexpected!
Pangalawa: Scientific calculator galing kay Alice.
May pagpupulong na ginawa ang kataastaasang kapulungan. May mga pasaway na grower, na di ko rin naman pinatulan kasi alam ko namang taglamig ngayon. Ang ending, na miss ko appointment ko sa dentista kasi gabi na ako nakauwi.
Sa probinsya namin, maraming kalokohan pag bagong taon. Kagaya ng kung ano nangyayari sa unang labindalawang araw ng taon sa panahon, atbp. e ito rin daw ang mangyayari sa mga buwang susunod. Halimbawa, umulan ng January 8, e tag-ulan ang August. Kaya magrerecord ako ngayon para ma test.