Thursday, January 4, 2007

Philequity Update

Friends, the NAVPS of Philequity is now 11.4117. Nakapanghihinayang ano? Dapat matagal na talaga ako nagsimulang mag-impok dito. Haay. Yung una ko nabili ko lang sa NAVPS na 10 point something. So, halos piso na ang tinubo ng sampong piso wala pang two months! :)
+++++
Pera na rin lang ang pinaguusapan, last month, nagbukas ako ng account sa BPI. Ansaya! He he. Una kong bank account ito na akin lang talaga galing yung pera. Dati kasi puro galing sa magulang lang ang laman ng ATM ko, eto yung nasa college ako. Ang di lang talaga nakakatuwa dito sa BPI e napakababa ng interest sa savings account. At may tax pa yun! Samantalang sa coop namin wala, sa Philequity wala rin. Ang positive side lang nito e madali na akong nakakapagbayad ng utilities, di na kailangan magpunta sa mga office at pumila para lang magbayad. Inenroll ko na ang SmartWifi ko at ang aking Meralco, yung Smart Gold susunod na din yun. Di ba high tek, click click na lang.
+++++
May nagba-browse pa rin nitong blog ko na ang gamit e MS Internet Explorer. Ang kulit nyo rin naman! Sabi nang Firefox ang gamitin!
Through my Statcounter, I saw that some of you, my visitors are still using Internet Explorer to view this site. I believe it's time for you to shift to Firefox, it's definitely better and faster and works well with my design. Please?
+++++
Kanina nasa Teresa, Rizal ako kasama ang mga katrabaho dahil may pinuntahan kaming kliyente at farm. Antagal din ng byahe. Uminom ako, intentionally, ng Decolgen para makatulog sa byahe. Haay, ansarap matulog!
Tapos dumaan kami sa Don Hen nung pauwi at nagpakabundat sa pizza at pasta, cheese is d life!