Sunday, January 28, 2007

Si Nanay

Naikwento ko na bang may pagkatechno-phile ang nanay ko? Noon yun, pero kabaliktaran na ngayon. Noong pasko bumili sya ng mumurahing PC, kaya libangan nya ngayon yung mga flash games. Habang naggi-games, nanonood sya ng sattelite TV. Ganon talaga kasi wala namang TV signal sa amin. Kaya, pag nagti-text ako, di nya masagot ng maayos dahil busy sya. Kailangan ko pa tawagan. Mabuti nga kung brown-out kasi at least nakakapag text sya ng maayos.