Saturday, February 3, 2007

Silang Town Fiesta



Kahapon ang fiesta ng Silang para kay St Candelaria. Syempre wala kaming pasok kaya nakapunta ako sa PRC. Maniniwala ka bang 200 lang and dala kong pera at nakabalik naman ako ng maayos. Iniwan ko ATM at credit card ko para iwas gastos. Umalis ako bandang 11AM at nakabalik na ako bago mag 3PM. Nadelay lang ako ng kaunti sa Quiapo dahil mabagal ang takbo ng trapiko dahil 1st Friday nga pala, dun ko na lang na-realize nung naipit na yung sinsakyan ko.
Dahil fiesta, maraming pagkain. Iniwasan ko sadya ang nakagawian naming pag-iikot sa mga bahay ng mga kaopisina. Baka kasi mapasobra lang ako ng kain. Ganon pa man, ganun din ang nangyari. Dahil mahirap talaga umiwas e.
KAninang hapon naman ang Karakol---na pang-apat na taon ko nang sinasalihan. Parang panata na ah! Di ko alam kung bakit sya naging Karakol, dahil ang alam kong karakol e yung prusisyon sa dagat. Ang version naman dito sa Silang ay pasayaw na parada. Buti di masyadong mainit kanina at di masyadong nakakapagod. Paulit-ulit lang naman ang sayaw na ginagawa namin. Malayo lang talaga ang ruta at nakatulog ako paguwi.
Sa Lunes at Martes nasa ITCPH ako para dumalo sa isang training.