Tuesday, February 6, 2007

Training

Kakauwi ko lang galing sa Lipa, sa International Training Center for Pig Husbandry dahil pinadalo ako ng kooperatiba sa isang pagsasanay tungkol sa pagtitimpla ng pakain ng baboy. Sa totoo lang may natutunan din ako pero parang kulang....
Unang itinuro sa amin ay ang pag-formulate na walang gamit na computer, na-appreciate ko ito dahil naunawaan ko ang mga salik na kinukunsidera sa pagtitimpla. Isang araw din yun. Sabi ng kasama ko mas madali daw na paraan ang itinuro sa amin kumpara sa itinuturo sa UPLB, dahil nakadalo sya ng isang pagsasanay doon isang summer.
Sa ikalawang araw naman (kanina) itinuro sa amin ang paggamit ng isang semi-obsolete na program sa pagtitimpla ng pakain (Feedwin). Galing itong Netherlands ayon sa trainor. Palagay ko dapat di na ginagamit ang program na yun dahil nakakasakit ng ulo, imagine, para ka na ring nag compute manually. E andami-dami nang mabibiling program ngayon na mas madaling gamitin na di nagdadala ng sakit sa ulo.
Sa kabilang banda naman, e walang nangyari sa mga personal na plano ko. Ang pagkakataon nga naman. Nakalulungkot tuloy.
Kagabi dapat magiinom ako kasama yung mga brod na nanggaling sa Bicol na nakita ko doon sa Center, e ang anak ng #$%^&*( gwardya naman dun e napakasama, ikandado ba naman ang pintuan ng dorm! %&^*&(*) ka!