Saturday, March 17, 2007

Cavite Coffee/Kape

Sa lugar kung saan ako nagtatrabaho, andami-daming kape. At pag napunta ako sa isang bahay, di maaring di mag-offer ng kape. Sa isang araw, minsan nakaka-limang tasa siguro ako. Iba pa sa farm namin, kape rin ang libangan, isa pagdating, isa bago umalis.
Minsan nahihiya akong tumanggi, kaya nangyayari hatinggabi na gising pa ako. LOL.