Sunday, March 18, 2007

Cavite/Kabite

Lumang larawan ito ng ilog na malapit sa pinag-dakipan kay Bonifacio sa Limbon, Indang. Ngayon, halos ganyan pa rin ang lugar medyo tumaas lang ang tulay at umayos ng konti. Gawa pa rin sa kahoy ang tulay, pinatibay lang ng konti. Sana di na ito ikonkreto para ayos.
Alam nyo ba na may Chavacano sa Ternate? Ayus di ba? Akala ko kasi ang Chavacano ay Zamboanga lang. Sa arko sa pagitan ng Ternate at Maragondon, na halos thrice a week kong daanan, Chavacano ang nakasulat na (We welcome you with all our heart). Ayon sa Wiki, ang mga naunang settlers sa Ternate ay galing Molucca, Indonesia na dala ng mga Espanyol para tumulong sa kanila sa paglaban sa mga piratang Intsik. Interesting.

Eto yung picture: