Sunday, March 4, 2007

CEB


Akala ko good news pero disappointment lang pala ang napala ko. Dapat kasi pupunta ako sa Palawan sa mga sumusunod na petsa, dahil sa CEB promo na ito: June 9 to June 12, November 1-4. Kaya pumunta ako sa office ng CEB sa Robinsons Imus para magpabook pero, sa kamalasan, booked na lahat yan! Tinanong ko yung babae dun sa desk kung sigurado sya (oo daw), kung di na magdadagdag ng flights dun (di daw), sure ka (oo daw, kung meron daw sinabi na nya dapat), atbp.
So, sira talaga ang plano ko sa mga long weekends na yan. Pero para sure at para wala nang kokontra binili ko na yung ticket for Christmas and New Year vacation ko. December 21 and January 1 ang flights ko.
Di ko naman alam na ganon kabilis maubos ang seats sa CEB. Kung alam ko lang... Ipa-book ko na kaya ang flights ko for 2008!