Sunday, March 4, 2007

Pangkalahatang pagpupulong ng kasapian






Sa English, General Assembly. Kahapon ang ika-30 pangkalahatang pagpupulong ng kooperatiba. Nasa batas kasi na dapat magkaroon ng taunang pangkalahatang pagpupulong para maipresenta ng pamunuan ang mga nangyari sa operasyon sa nakalipas na isang taon at para maihayag at maaprubahan ang mga plano sa susunod na taon.
Syempre merong diskusyon lalo na sa issue ng qualifications ng mga pwedeng kumandidato bilang Director. Naresolba naman ito pero naantala ng kaunti ang mga paguulat dahil dito.