Friday, March 23, 2007

Kwenta ng gamot

Kailangan kwentahin ang gamot para sigurado ang dosis na ibibigay sa hayop.
Halimbawa, 20% norfloxacin ang gamot na gagamitin.

Hayop: 38,000 ulo
Timbang: 650 gramo bawat isa
Konsumong tubig sa isang araw: 20-30 gallons kada isang libo

Alamin mo muna kung gaano karaming gamot (puro, 100%) ang kailangan ng mga hayop:
24,700 kg ang hayop X 10 mg/kg = 247,000 mg
247,000 mg/1000 = 247 grams

E 20% norfloxacin lang ang gamot mo. Sunod, kwentahin kung ilang gramo nito ang kailangan:
=247 grams/0.2
=1,235 grams or 1.235 kg

Samakatwid, kailangan magtimpla sa painom ng 1.235 kilo ng gamot sa isang araw. Kailangan magtimpla ulit hanggang matapos ang paggagamot.