Wednesday, March 21, 2007

Pakainan o sahig?

Magkano ba ang nawawala kung sa sahig pinakakain ang baboy? Kailangan ba talaga ng pakainan?
May pagsubok akong ginawa:
  • Dalawang grupo ng baboy, tigtatlo bawat grupo.
  • Pinakain sila sa loob ng 31 araw.
  • May pakainan yung isang grupo (A).
  • Walang pakainan ang kabila (B).
  • Parehong dami ng feeds ang ginamit.
Ang average na bigat ng mga baboy noong simula ay 25 kg sa A at 23.6 kg sa B. Kumain sila ng tig 186 kg ng pakain sa loob ng 31 araw.
Ang naging average na timbang pagkatapos ng pagsubok ay 50.6 kg sa A at 48.6 kg sa B. Samakatwid, lumaki (average) ang nasa A ng 25.6 kg at 25 kg naman sa B. Ang feed conversion ratio ng A ay 2.42, at yung sa B ay 2.48.

Samakatwid, mas malaki ang nilalaki ng baboy kung may pakainan. Konti tingnan dito ang bentahe dahil tatlong baboy lang, pero kung gagamitin ang feed conversion na ito sa mas maraming baboy ay mas lalong lalaki ang diprensya. Kaya dapat iwasang magpakain sa sahig. Gumamit ng pakainan.

Sa susunod, gagamit ako ng baboy na di masyadong magkaiba ang timbang. Susubukan ko rin ang pagpapakain ng basa kumpara sa tuyong pakain.

(Itutuloy)