Sunday, December 10, 2006

Bago

Bago ang template ko dahil napapangitan ako sa template na libre sa blogger beta. Nako-customize nga, ang hirap naman i-modify. Nakakatamad mag-edit pag ganon.
+++++
Kahapon sinusubukan ko i-organize ang mga tags/labels dito. Naglagay din ako ng mga walang kwentang impormasyon sa mga lumang posts ko. Kahit yung mga posts na walang kwenta nilagyan ko ng bagay na may kwenta kaya sana maging interesado kayong magbasa ng archives ko. Pipilitin ko yang tapusin. Lalagyan ko lahat ng naka-archive na post ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga hayop. May kwenta man o wala.
Karamihan ng naisulat ko kagabi ay nagmula sa aking kwaderno noong nag-rereview ako para sa board exam ng vet. Buti naitabi ko at buhay pa. Andami din nga palang nakinabang dun last summer nung may mga nagrereview para sa board na mga brod ko sa tinirhan kong apartment noong tag-init.
+++++
Di ako kontento sa finals ng Philippine Idol kagabi. Performance night kasi nila at maliban sa malaki ang venue, e yung mga performance nila e di maganda. Nakakaasar kasi nahuli ako ng lipat ng channel kasi nanood pa ako ng isang segment ng Imbestigador kung saan nafeature yung isang ama na inaapi-api ng pamilya nya. Masahol pa sa aso yung treatment sa kanya! Nakatali ba naman, tapos payat na payat, binubugbog pa ng asawa nya at anak nya. Wala naman sya magawa kasi nga nastroke sya bago yun. Kawawa talaga.
+++++
Ang ganda ng kantang ginawa ni Mr. C para kay Miguel sa Philippine Idol. At ang ganda nung medley, worth pagpuyatan. :) Congrats kay Mau Marcelo!
+++++
Hmm. Kung kumakain ka ng beef sa mga kainan sa Calamba, malamang di talaga beef yun. Carabeef yun. Marami kasing katayan ng kalabaw sa Lecheria, malapit sa bayan ng Calamba. Ano ang kaibahan ng carabeef sa beef? Yung taba ng beef madilaw, sa kalabaw, puti halos.