Monday, December 11, 2006

Ulan

Andaming sumusulpot na alaala pag umuulan. Pero letse kasi Christmas party ng frat ngayon. Dadalo dapat ako, nag-leave na nga ako para mamayang hapon at bukas ng umaga. Tapos sisirain lang ng ulan ang plano ko? Ang hirap kasi mag-commute pag umuulan.
+++++
Alas singko na ngayon ng umaga ng 12 Dec. Kakauwi ko lang galing sa Christmas party ng VKV.
May ilan akong kuha, di nga lang malinaw kasi camera phone ang gamit ko. Una: si Jovic at si Will. Pangalawa: si JQ habang nagbibigay ng mensahe.
Masaya at nagkita kami ng mga brod na halos di ko na nakikita. Lalo na yung malayo ang kinaroroonan. Sinadya ko pang mag-file ng LOA para walang hadlang sa pagdalo ko. Mamayang hapon pa ako papasok dahil naka-leave pa ako ngayong umaga.
Salamat nga pala sa na-late na brod, si Dr. Ole, nagpakain sya sa aming grupo (mga naiwan) pagkatapos ng party. Ano ba yun, party tapos kain na naman.
+++++
Ngayon ko lang na-realize na napakalapit pala ng Eastwood sa Santolan. Ang hirap talaga ng taga-baryo, nakakapanibago ang kapaligiran pag lumuluwas. Sa totoo ngayon lang ako nakarating ng Eastwood sa Libis. Nadadaanan ko dati yun pero di ako nakakababa. Pero palagay ko di ako tatagal sa ganoong environment para mamuhay at magtrabaho. Mahirap doon, palaging nagmamdali ang mga tao.
+++++
Habang hinihintay ko yung kasama kong brod sa Alimall, nagpa-id ako. Eto yun: