Wednesday, December 13, 2006

Gary

Kagabi, habang nagpipeyups.com ako, click kasi ng click ng links, e napadpad ako sa site ni Gary Granada. Sya pala ay isang guro ng Devcom, sa graduate level. Sa LB lang meron nun di ba? Andaming downloadable music doon, "zero pesos" ang singil. Sya nga pala yung na-TV noon na ka-argumento ng mga managers ng McDo, eto'y dahil sa paggiit niya/nila na bawasan ng McDo at Jbee ang paggamit ng mga disposable packaging ng pagkain (mga styro). Ang galing nung na dl kong BNB at Kay Susan Tayo themes. We he!
+++++
Di ko alam kung pano nangyari to, pero naaalala ko, napanaginipan ko yung Merck ko kanina. Kinain ng anay yung gitna, yung loob ng libro. Sa labas kung titingnan mo kumpleto sya, pag binuksan wala palang laman. May ibig sabihin kaya yun? Ano naman? Colored pa naman yung panaginnip ko, bihira lang yan.