Tuesday, December 12, 2006

Muntik na kitang minahal

may sikreto akong
sasabihin sa'yo
mayroong nangyaring
hindi mo alam
ito'y isang lihim
itinagong kay tagal
muntik na kitang minahal
'di ko noon nakayang
ipadama sa'yo
ang nararamdaman
ng pusong ito
at hanggang ngayon
ay naalala pa
muntik na kitang minahal

ngayon ay aaminin ko na
na sana nga ay tayong dalawa
bawat tanong mo'y iniwasan ko
akala ang pag-ibig mo'y di totoo
'di ko alam kung ano'ng nangyari
damdamin ko sayo'y hindi ko nasabi

hanggang ang puso mo'y napagod
sa paghihintay kay tagal
saka ko lang naisip
muntik na kitang minahal